(3 buwan bago ang Pasko)PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS TUMAAS

noche buena

SUMIRIT ang presyo ng ilang Noche Buena products, mahigit tatlong buwan bago ang Pasko.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sa kanilang pag-iikot sa ilang pamilihan ay nakitang tumaas ang presyo ng ilang Noche Buena items ng mula P5 hanggang P65.

Kabilang sa mga produktong ito ang mayonnaise, ham, cheese, fruit cocktail, spaghetti sauce at pasta.

Dahil dito ay pinayuhan ng DTI ang mga consumer na mamili nang maaga kahit pakaunti-kaunti dahil posibleng magmahal pa ang Noche Buena items.

Ang ilan pa sa mga produkto na posibleng tumaas ang presyo ay ang keso de bola, tomato sauce, at all-purpose cream.