‘3 BUWAN’ SA WILDLIFE SMUGGLER

Arestado

TATLONG buwang pagkakulong ang hatol ni Judge Allan Ariola ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 48 sa isa umanong high profile wildlife smuggler at pinagmumulta rin ito ng P20,000 dahil sa paglabag ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Ito ay may kaugnayan sa ilegal na pagpasok ng 63 reptiles na 54 Iguanas; 2 Basilisk; 4 Veiled Chameleon at 3 dearded Dragon) sa bansa mula Thailand na walang permit.

Naaresto ang suspek noong February 2019 ng mga tauhan ng BOC-NAIA frontliners, na kinabibilangan ng ESS-NAIA, CIIS-NAIA at ng XIP-NAIA operatives, at sa tulong ng DENR-NCR operatives. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.