ISINAMA sa Security of Tenure and End of Endo Act of 2018 ang panukalang ‘Pantawid Endo’ ni Senador Bam Aquino upang bigyan ng pinansiyal na tulong ang mga manggagawa ng mga subcontractor na naghihintay ng susunod na proyekto.
Sa ilalim ng Transition Support Program, pagkakalooban ang mga manggagawa ng subcontractors na naghihintay ng susunod na trabaho ng tulong pinansiyal sa loob ng tatlong buwan.
“Makatutulong po ang probisyong ito sa pagsisigurado na hindi mawawalan ng kita ang mga pamilya ng mga manggagawa habang sila’y nag-aabang ng bagong kontrata at trabaho,” giit ng senador.
Aniya, malaki ang maitutulong ng nasabing probisyon sa mga manggagawa sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin, tulad ng bigas, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
“Mas mahalaga pa po ito sa panahon ngayon na matindi ang pagtaas ng presyo ng bigas, pagkain at iba pang pangangailangan ng pamilya, ngayon na bawat sentimo na pumasok sa bulsa ng pamilya ay mahalaga,” sabi pa ni Aquino. VICKY CERVALES
Comments are closed.