3 COMELEC OFFICERS NAGRETIRO NA

OPISYAL  nang nagretiro ang tatlong komisyoner ng Commission on Elections (Comelec) tatlong buwan bago ang halalan.

Ito’y matapos magsagawa ng retirement ceremony ang poll body para kina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioner Rowena Guanzon, at Antonio Kho kahapon.

Habang ang natitira na lamang ay sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

Samantala, magsisilbing Acting Chairman ng Comelec si Commissioner Socorro Inting simula ngayong araw habang hinihintay ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte. DWIZ882