3 DAHILAN KUNG BAKIT NALULUGI SA NEGOSYO

quarantips

OPS! Awat na ang paninisi sa pandemya kung bakit ka nalugi sa iyong  negosyo.

Dahil sa totoo lang nang mag-lockdown hindi ka naman nag-operate.

Ibig sabihin, stop ka. Hindi ka naglabas ng puhunan, hindi ka nagpasweldo at wala kang operating expenses.

At ibig sabihin, hindi ka naglabas ng pera at hindi ka nalugi.

Ang nangyari walang pumasok sa iyong pera mula noong Marso 2020 hanggang Agosto, dahil nga hindi ka gumalaw bunsod ng lockdown.

Kumbaga, walang income pero hindi naman nalugi.

Ang salita kasing lugi ay naglabas ka ng pera o pamumuhunan para sa operasyon at pasweldo, pero walang bumalik sa iyo.

So, malinaw na tayo sa salitang lugi.

Buweno, ano naman ang mga dahilan ng pagkalugi sa negosyo?

  1. Una, mismanagement. Kung wala kang alam sa negosyo, kahit basic lang, better na maging empleyado ka na lang forever.

Pero dahil pangarap mo na tawaging negosyante, trader o mangangalakal, go ahead, gusto mo eh.

Gayunpaman, dapat marunong kang humingi ng payo sa may karanasan at eksperto at may kapasidad ka ring magbalanse ng mga bagay-bagay na naririnig at hindi sasang-ayon lang sa mga ‘nagpapalakas’ sa iyo bilang boss.

  1. Sa pagnenegosyo, dapat utak negosyo, walang friend-friend, kasi kung malambot puso mo, malamang sa hindi, maglalaho lang ang iyong kapital.
  2. Negatibo. Kapag nasa komersiyalismo ka na, bawal ang tamang duda, baka at daing.

Ibig sabihin, hindi pwedeng duda nang duda sa costumer, supplier at sa mga tauhan.

Remember ang Law of Attraction? Mentras nag-iisip ka na nilalamangan ka ng kasosyo, kostumer at tauhan mo, lalo lang lalayuan ng swerte at lugi ang aabutin mo.

Kaya kung ako sa iyo, para maging Jeff Bezos, Warren Buffet at Jack Ma ka, maging positibo ka at wag nega.

  1. Sumobra ang kompiyansa sa katiwala. Isa pang malungkot na dahilan kung bakit nalulugi ay hindi mo personal na tinitingnan ang operasyon ng iyong kompanya. Sobrang bait mo. Spoiled ang iyong mga tauhan na pinag-samantalahan ka dahil hindi ka marunong magalit. Ang masaklap, ang pinagkakatiwalaan mo, katiwaldas pala. At sariling interes ang mga desisyon.

Kaya makabubuti na ihiwalay ang pagiging mabait kung may hawak kang tauhan. Dapat may limitasyon din naman, bago pa mahuli ang lahat.

Maging inspirasyon sa iyong mga tauhan subalit hindi dapat mabiktima ng mapagsamantala.

Maging aral na sa atin ang maraming kuwento na kung sino ang pinagkatiwalaan, iyon pa ang sanhi ng pagbagsak ng negosyo.

Sa mund ng negosyo, dapat kung may puso, may utak din naman.

Get real, kanegosyo!

Comments are closed.