CAGAYAN – NAISALBA ng awtoridad ang tatlong dalagita na nasa edad 15 at 16 mula sa isang sex den sa Tuguegarao City.
Ayon kay Tuguegarao City Police Chief Supt. George Cablarda, ang mga biktima ay residente ng Dagupan, Pangasinan.
Salaysay ng mga biktima sa pulis, pinangakuan umano sila ng mga recruiter na sina Sonia Lopez at Jessie Raguingana na maging crew ng isang fastfood chain.
Dahil dito, kakasuhan sina Lopez at Raquinan ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act. PM Reportorial Team