BULACAN- BUNSOD ng walang tigil na pagbuhos ng ulan ay muling nagpakawala ng tubig ang tatlong Dam.
Sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas na sa 101 meters na spilling level sa Ipo Dam na nakapagtala ng 101.09 meters dahilan kung bakit nagbukas ito ng 15 meters na gate opening nito.
Ang Ambukalao at Binga dam naman ay mayroong 0.5 meters ang binuksan.
Ito ay dahil pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat.
Sa kabila nito, nakapagtala rin ang mga eksperto ng patuloy na pagtaas sa antas ng tubig sa Angat dam matapos itong madagdagan ng 0.75 meters na nagdala naman sa kabuuang water elevation sa nasabing dam. EVELYN GARCIA