3-day National Vaccination Drive suportado ng Globe

SINUSUPORTAHAN ng Globe ang three-day National Vaccination Drive sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan sa mga benepisyo ng COVID-19 vaccination at pagpigil sa pagkalat ng fake news.

Ang pagbabakuna ay pinaniniwalaang susi sa mas ligtas na Pasko, at sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

Mula November 29 hanggang December 1, ikakasa ng pamahalaan ang #BayanihanBakunahan sa libo-libong vaccination sites upang bakunahan ang 15M Filipinos sa lahat ng 16 rehiyon sa labas ng Metro Manila upang ilapit ang Pilipinas sa 50% vaccination rate.

Sa kasalukuyan, 31% pa lamang ng target population ang nabakunahan na, na malayo sa 70% initial goal ngayong taon.

“We want to reiterate to the public that vaccination is science-based and provided through global medical expert advice. Vaccination plays a vital role in the fight against the pandemic so we want to help stop the proliferation of fake news about the vaccines.   Let us verify everything first from reliable sources before believing them,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.

Pinalalakas ng kompanya ang content at digital engagements na nagsusulong sa COVID-19 vaccination. Inilunsad ang Panatang Pangkaligtasan video noong nakaraang November 24, na sinundan ng #BakunaNow TikTok hashtag challenge mula November 27 hanggang 29. Maaaring lumahok ang mga netizen sa hashtag challenge sa pagbisita sa https://vt.tiktok.com/ZSeShhXgR/.

Ang Panatang Pangkaligtasan ay isang modern day oath, na nagtatampok sa bayanihan spirit. Bilang isang masigasig na tagapagtaguyod laban sa fake news, ginagamit ng Globe ang Panatang Pangkaligtasan video nito upang mahikayat ang bawat isa na magpabakuna at beripikahin ang mga balitang may kaugnayan sa bakuna upang mapawi ang kanilang pangamba.

Mula sa video ay ang dubbing challenge sa  TikTok, kung saan iimbitahan ang mga netizen na i-dub ang Panata. Layon nito na makatulong na mapakilos ang mga Filipino na ibahagi ang vaccine-positive content upang malabanan ang fake news sa pagbabakuna.

Sumusuporta rin ang public figures at social media personalities sa kampanya. Ang listahan ay kinabibilangan nina actress-comedienne Kiray Celis at Cai Cortez, Myx VJ at Star Magic host Ai dela Cruz, at viral TikTok star Dr. Kilimanguru. Sasamahan sila nina professional volleyball player Aby Maraño, actor Fifth Solomon, social media star Adrian Insigne, blogger Mommy Badet Siazon, at actor-recording artist Reb Atadero.

Ang pagkakasangkot ng Globe sa movement ay nagsimula sa partisipasyon nito sa Ingat Angat Bakuna Lahat coalition ng pribadong sektor. Magmula noon ay naglabas ito ng dalawang mythbusters videos na direktang tumutugon sa ilang maling paniniwala sa COVID vaccination.

Ayon sa Department of Health, “COVID-19 vaccine hesitancy is triggered by fake news, with many different, often erroneous claims on the effects of getting vaccinated, such as the vaccines containing a live virus, causing infertility, and turning people into zombies.  There were also rumors of microchips being inserted into those vaccinated, making them susceptible to government tracking.”

Ang mga pekeng balitang ito ay mabilis na kumakalat sa pamamagitan ng social media at iba pang digital channels. Isinusulong ng Globe ang responsableng digital citizenship sa pamamagitan ng pag-unawa at masusing pagproseso ng content na nakikita online.  Ito ay partikular na mahalaga sa panahon ng health crisis, kung saan ang tamang pagpapakalat ng impormasyon ay krusyal para matamo ang national recovery.