3-DAY NAT’L VACCINATION DAY IKINAKASA PARA MAABOT ANG HERD IMMUNITY

NILINAW ni National Task Force Against COVID-19 Spokesman Ret. Gen. Restituto Padilla, Jr. na target ng 3-Day National Vaccination Day ng pamahalaan ang makapagbakuna ng 50 milyong katao sa buong bansa bago matapos ang 2021.

Layunin nito na mabilis na makamit ng Pilipinas ang herd immunity upang tuluyang lumuwag ang galawan sa ng publiko na protektado laban sa coronavirus disease.

Sinabi ni Padila sa programang ASPN nina Ali Sotto at Pat-P Daza na hindi poproblemahin ang bakuna dahil may mga parating pa.

Kabilang naman sa prayoridad na mababakunahan ang mga nakatira sa mga lugar na may mababang vaccination rollout.

“Pangkalahatan po ito at hindi lang sa iisang lugar,” ayon kay Padilla.

Kaya inaasahan na magiging bahagi ng 3-Day National Vaccination Driver ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Bicol Region, MIMAROPA, Soccksargen at Zamboanga Peninsula upang madagdagan bilang ng mga bakunado roon.

Una nang tinukoy ni Padilla na kaya maliit ang porsyento ng mga nagpapabakuna sa mga malalayong lugar ay dahil sa kanilang paniniwala at pangam ba mismo laban sa bakuna.