3 DAYUHAN HINARANG NG BUREAU OF IMMIGRATION SA NAIA

NAIA

PARAÑAQUE CITY – MAGKAKAHIWALAY na nahuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (N AIA) terminal 2 noong Hunyo 28 at 29 ang tatlong dayuhang transit passengers palabas ng bansa.

Ayon kay BI Immigration Commissioner Jaime Morente,  kinilala ang mag-asawang suspek na Palestinian na sina Yousef Hillies at Nour Muamar, kung saan nasakote ito ng BI Immigration officer noong Martes ng gabi bago makasakay sa kanilang flight patu­ngong Malaysia.

Nadiskubre ng mga sinasabing IO na peke ang gamit nilang United Arab Emirates passport na mayroong dispalinghadong Philippine immigration arrival at departure stamps.

Samantalang, ang Senegalese na si Fallou Thiam ay sinubukan na pumunta sa Canada noong Miyerkoles ng uma­ga ngunit hindi rin ito nakalusot dahil peke ang Canada visa sa kanyang passport.

Kaugnay nito binalaan ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang nasa bansa na nagnanais gamitin ang Filipinas bilang jump off point ng kanilang pagtungo sa ibang bansa.

“Our personnel are highly skilled in detecting fraud, and we have the technology to instantly verify the authenticity of docu-ments presented,” ayon pa kay Morente .

Ayon naman kay BI travel control and enforcement unit chief Timotea Barizo, umamin ang mag-asawang Pa­lestinian na nakuha umano nila ang fake UAE passports sa halagang UD$10,000.

Dagdag pa ni Ba­rizo, ang mag-asawa na nakatira sa Malaysia, ay kadarating lamang sa NAIA mula sa bansang Fiji,  kung saan nanatili sila ng 20 araw pero hindi sila pinayagang makapag-board sa kanilang flight papuntang New Zealand, ang bansang huli nilang destinasyon.

Inamin din ng Sene­galese sa inisyal na imbestigasyon na nabili niya ang Canadian visa sa isang kaibigan na nagtatrabaho sa Canadian Embassy sa Senegal. FROI MORALLOS

Comments are closed.