CABANATUAN- ISANG MAKESHIFT drug den ang nabuwag matapos ang isinagawang joint anti-narcotics operation ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office Region 3 kasama ang lokal na pulisya sa Barangay Lourdes ng nasabing siyudad.
Kinilala ang tatlong naarestong drug pusher sa isinagawang pagsalakay na nahulihan ng ilegal na droga na sina Vergel Ignacio y Pascual @Red Horse, 41-anyos; Joseph Lanticse y Requilme @ Budjong, 50-anyos at Lea Lanticse y Manalang, 41-anyos.
Batay sa report ng mga operatiba ng PDEA RO3 kay Regional Director Bryan Babang, isang buy bust operation ang ikinasa matapos na magpositibo ang kanilang nakalap na intelligence information hinggil sa drug activities ng mga suspek sa lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang 7 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102K, samu’t saring drug paraphernalias at ang buy-bust money.
Kasong paglabag ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang isasampa laban sa mga nahuling suspek. VERLIN RUIZ