ZAMBALES – ARESTADO ang tatlong drug couriers makaraang makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P300K at baril sa isinagawang drug operation ng mga awtoridad sa bahagi ng Barangay Mangan-Vaca, bayan ng Subic sa nasabing lalawigan.
Isinailalim sa tactical interrogation ng mga tauhan ni Police Captain Ronaldo Ballon ang mga suspek na sina Rico Asadon Dagamat; Jerwin Varges Bautista at Mary Rose Reyna Cababan, pawang nasa drug watchlist ng pulisya.
Ayon sa ulat, si Dagamat ay number #7 sa drug watchlist ng pulisya sa Region 3 kaya isinailalim sa surveillance dahil sa drug trade transaction nito.
Nakumpiska ang 20 pakete na shabu at isang cal.38 revolver na kargado ng bala habang pina- drug test at physical examination ang mga suspek na sasampahan ng kasong kriminal sa Provincial Prosecutor Office. ROEL TARAYAO
Comments are closed.