3 DURUGISTA TIKLO SA P103-K SHABU

CAVITE – NABULABOG ang pagiging drug trader ng tatlong durugista makaraang makumpiskahan ng P103-K halaga na shabu sa inilatag na anti-drug operation ng mga operatiba ng PDEA A4 at Cavite PNP sa tagong drug den sa Brgy. Niog 3, Bacoor City sa lalawigang ito kamakailan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Emily Valerio y Santos, 62-anyos, ng 1st St. Sy. Nino sa nasabing barangay; Ramoncito Rabales y De Guzman, 47-anyos, trike driver, ng Brgy. Niog 3, Bacoor City; at Ronnie Reformado y Paguera, 53-anyos, trike driver, ng Brgy. Niog 2, Bacoor City.

Sa isinagawang buy-bust operation laban sa mga suspek ay narekober ang 15 gramo na shabu na may street value na P103, 000.00, drug paraphernalias, lighter, cellphone, at marked money na ginamit sa anti-drug operation.

Isinailalim na sa drug test ang mga suspek habang pina-chemical analysis ang 15 gramo na shabu bilang ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA9165. MARIO BASCO