TATLONG economic bills na inaasahang malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa ang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte at inaasahang maipapasa ng Senado bago ang pagtatapos ng 17th Congress sa Biyernes.
Sa kanyang liham kay Senate President Tito Sotto, nais ng Pangulo ang pagpapasa sa Senate Bill No. 1754 o ang batas na nag-aamyenda sa Commonwealth Act 146, Senate Bill No. 2102 o ang batas na nag-aamyenda naman sa Foreign Investments Act, at ang Senate Bill No. 1639 o nagbabago sa Retail Trade Liberalization Act.
Bukod sa economic bills, sinertipikahan ding urgent ng Pangulo ang pagsasabatas ng panukalang ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga senior high school.
Nais ng Pangulo na magkaroon ng reporma sa mga polisiya ng pamahalaan hinggil sa mga foreign investments kung kaya’t sinertipikahan niyang urgent bills ang mga nabanggit na proposed bills.
Ayon kay Pangulong Duterte, layunin din nitong magkaroon ng mas magandang environment para sa mga mamumuhunan sa bansa upang lumakas ang kompetisyon at dumami pa ang maaaring mabuong trabaho para sa mga Filipino. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.