3 EKTARYANG LIBINGAN SA MGA NAMATAY SA COVID-19

Wilben Mayor

NAGLAAN ang Cebu City Government ng tatlong ektaryang lupain para gawing burial site o libingan ng mga namamatay dahil sa Co­ronavirus Disease 2019.

Ayon kay retired General Wilben Mayor ng National Task Force COVID -19, ginawa ito ng Cebu City at inaprobahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Visayas dahil sa kakulangan ng crematoriums sa siyudad.

Aniya, taltong crematoriums lang mayroon sa Cebu City at sa bawat araw ay apat na bangkay lamang ang naki-cremate kaya wala ibang opsiyon kundi ilibing ang mga namamatay sa COVID 19.

Ang libingan ay makikita sa Sitio Catives II ng Cebu City at tinawag na Cebu City Botanical Memorial Garden.

Tiniyak naman ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na siya rin chairperson ng city council’s Committee on Risk Reduction and Management na walang panganib sa kalusugan ng mga residenteng malapit sa lugar.

Sa halip makakatulong pa nga raw ito para magkaroon ng kabuhayan ang mga residente. REA SARMIENTO

Comments are closed.