3 EX-DETAINEES, 2 PA SAKOTE SA DRUG TRADE

DRUG TRADE-2

CAVITE – Lima-katao kabilang ang tatlong dating detainee sa iba’t ibang kasong kriminal ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa bahagi ng Tropical Village, Pabahay 2000 sa Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Pormal na inihain sa prosecutor’s office ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek na sina Joenie “Bordado” Sevilla y Nara, Jenilito Napali y Alegre, Charlie Dave Tamayo y Montellano, pawang mga dating detainee na may iba’t ibang kasong criminal; Jomarie Mayorga y Basa, at si Marvin “Bimbo” Fuentespina y Gutierrez na nasa drug watchlist ng pulisya.

Ayon sa pulisya, sina  Marvin at Joenie ay kapwa suspek sa naganap na shooting incident sa bahagi ng Brgy. Pasong Camachhile 2, General Trias City may ilang araw na ang nakalipas.

Base sa ulat ni Patrolman Marck Teves Raquel na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na ang mga suspek ay patuloy sa pagpapakalat ng droga sa mga traysikel at pampasaherong jeepney driver sa nabanggit na barangay.

Nang isagawa ang masusing surveillance sa mga suspek at bandang ala-1:00 ng madaling araw ay isinailalim sa anti-drug operation ng arresting team ng pulisya at PDEA 4A kung saan nakumpiskahan ng 13 plastic sachets na shabu, mga drug paraphernalia, P600 drug money at P500 marked money na ginamit sa drug operation ng pulisya.

Isinailalim na sa drug test at physical examination ang mga suspek habang ipina-chemical analysis naman ang ilang gramo ng shabu na nasamsam para sa karagdagang ebidensya sa kasong paglabag sa RA 9165.  MHAR BASCO

Comments are closed.