3 FILIPINO ENGINEERS NAKALAYA NANG WALANG RANSOM

hostagge

PASAY CITY – INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na sa bansa ang tatlong Filipino engineers na pinalaya mula sa pagkaka-hostage sa Libya noong isang taon.

Ang tatlo ay sinalubong ng kani-kanilang mga pamilya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Una nang inanunsiyo ng DFA na pinalaya na ang mga biktima ng kanilang abductor noong Hulyo noong isang taon.

Pinasalamatan din ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang pamahalaan ng United Arab Emirates, Libya, South Korea at iba pang “friendly” countries sa kanilang pagsisikap na mapalaya ang mga Filipino gayundin ang kanilang kasamahang Koreano.

Paglilinaw ni Locsin na hindi gumastos ang pamahalaan o nag-ransom para sa pagpapalaya ng mga biktima.

Ayon sa UAE Foreign Ministry, ang apat na Asyano ay nagtatrabaho sa desalination plant sa Western Libya. AIMEE ANOC

Comments are closed.