SAUDI ARABIA – TATLONG Filipino na miyembro ng delegasyon ng Hajj pilgrims ang nasawi ngayong taon.
Batay sa ulat ni Philippine Consul General Edgar Badajos, dumating sa lungsod ng Madina ang katawan ng isa sa kanila na pumanaw noong July 24 matapos atakihin sa puso habang patungo sa Makkaa.
Isang 59-anyos na lalaking pilgrim mula Lanao del Sur ang nasawi dahil naman sa atake ng acute peptic ulcer with coronary heart disease habang isa pang 60-anyos na pilgrim ang namatay dahil sa sakit na diabetes.
Mahigit dalawang milyong pilgrims ang kasalukuyang nasa Makkah, kabilang na ang 5,800 mula Filipinas.
Noong Lunes ay naglakbay patungong bundok ng Arafat ang mga kapatirang Muslim para sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice kahapon.
Sa Mt. Arafat isinasagawa ng mga pilgrim ang symbolic renunciation ng demonyo sa pamamagitan ng paghagis ng mga bato. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.