3 FOREST RANGERS TINUGIS AT PINAPUTUKAN NG MGA ILLEGAL LOGGER

forest ranger

CAGAYAN – TATLONG forest rangers ang nagtago at nakulong sa kagubatan ang nailigtas ng awtoridad matapos na tugisin sila at paputukan ng mga illegal logger sa Barangay Sta. Margarita, Baggao.

Ayon kay Mayor Joan Dunuan ng Baggao, Cagayan, nagsasagawa na sila ng masusing imbestigas­yon kung ano ang mga pangalan ng tatlo na hinaras ng pinaniniwalaang  mga illegal logger.

Pumunta sa kabundukan ang mga forest rangers para magsagawa ng monitoring laban sa illegal logging nang sila ay paputukan at napag-alaman niya na may koneksiyon sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Alcala, ang tatlong forest rangers.

Nadiskubre sa lugar ng mga nag-rescue sa tatlong forest rangers ang maraming pinutol na puno.

Sa kasalukuyan ay 13 forest rangers kabilang ang ilang mga kagawad ng militar at police ang nagbaban­tay upang matutukan ang kabundukan ng Baggao mula sa mga illegal logger.

Ayon sa alkalde na bahagi ng kanyang kampanya ang makapagtanim ng isang bilyong puno sa Baggao para maibalik ang green forest. IRENE GONZALES

Comments are closed.