NAG-PANIC ang mga Customs examiners at X-ray screeners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang madiskubre sa loob ng outbound package ang tatlong hand grenades sa loob ng bagahe sa export warehouse bago mag-semana santa.
Ayon kay NAIA customs district collector Mimel Talusan dahan-dahan na inilabas ng mga customs agents ang karton kung saan nakalagay ang ganada upang busisiin ng mga ito ang tunay na laman ng karton.
Ang package na ito ay ipinadala ng isang Peter Lhung ng Helnen Import and Export Corporation sa Angeles City, at may nakalagay na address, Edge Brands Budk Worldwide Inc. 475 HWY 319 South Moultrie, Georgia USA.
Ang nasabing package ay idineklara ng may-ari na Philippine handicraft made at may timbang na 1.40 kilograms, at nakabalot sa transparent plastic.
Nang dumaan sa pisikal na eksaminasyon nadiskubre ng mga customs agent na ito ay replicas of Stielhan dragnet, Mills bomb at M67 grenade na gawa sa resin.
Ayon sa pahayag ni Talusan ang “real hand grenade is an explosive weapon typically thrown by hand, but can also refer to projectiles shot out of grenade consist of explosive charge, a detonating mechanism, and firing pin inside the grenade to trigger the detonating mechanism.”
Dagdag pa ni Talusan, sa ilalim ng Transportation Security Administration (TSA) ang mga gawa o resembling a bomb or explosive katulad ng granada, land mines, rocket launchers, shells o bomba ay hindi pinapayagan na isakay sa eroplano. FROI MORALLOS
Comments are closed.