MAYNILA – Naaresto sa magkahiwalay na entrapment operation ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) at mga tauhan ng Department of Trade and Industy (DTI ) sa Caloocan City at Sta Cruz Manila ang tatlong mga hoarder ng alcohol na ibinenta pa ng overpriced.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, unang naaresto sa Sangandaan, Caloocan na sina Jeffrey Zapanta, at Albert Man-dap, matapos na irelamo ng mga bumibili ng alcohol online
Huli sa akto ang dalawa na nagbebenta ng 500ml Ethyl Alcohol online sa halagang P140 samantalang nasa P61.00 hanggang P74.25 lamang ang presyo nito.
Ang pangatlong suspek naman na si Evangeline Salazar Endozo, saleslady ng JKOS Medical Supplies and Equipment, ay naaresto sa Bam-bang, Sta. Cruz, Manila.
Ito ay matapos ireklamo ng mga consumer na nagbebenta ito ng overpriced 60 ml bottles ng Green Cross Alcohol sa halagang P80.00 pesos.
Nakumpiska sa tindahan ang 1,380 botelya ng 500ml, 60ml, at 40ml ethyl alcohol na May market value na Php231,000.
Ayon kay Banac, ang mga suspek ay mahaharap sa patong patong na kaso ng paglabag sa Republic Act 7581 ( Price Act) Article 14 of the Revised Penal Code of the Philippines (Aggravating Circumstances); at“Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying”; sa ilalim ng Proclamation No. 922 ng Pangulong Duterte. REA SARMIENTO