BULACAN – PATAY ang tatlong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng robbery holdap group makaraang makipag-engkuwentro sa mga pulis sa E. de Guzman Street, Poblacion, Pandi.
Ganap na alas-8:45 ng gabi nang maganap ang labanan ng masasamang elemento at awtoridad sa nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, wala pang pagkakakilanlan sa mga nasawing suspek.
Ayon kay PNP Provincial Director, Col. Emma Libunao, nagsasagawa sila ng Oplan SACLEO, nang matunugan ang kahina-hinalang kilos na umaaligid sa isang tindahan.
Posibleng target ng tatlo, ang perang napagbentahan ng Raon Appliance Center.
Nabatid na una ng sinita ng pulis ang naturang grupo dahil sa pabalik-balik sa lugar subalit agad sumibat ang tatlo lulan ng motorsiklo.
Dito nagkaroon ng habulan sa pagitan, ng mga pulis at ng armadong lalaki na nauwi sa pamamaril.
Nakuha ng Explosive Ordinance Division at ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang granada, dalawang baril at iba’t ibang ID ng pulis at militar.
Samantala, patuloy pang inaalam ng awtoridada kung may grupong kinaaniban ang mga napatay na suspek. THONY ARCENAL/MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.