QUEZON CITY – NAGING kapaki-pakinabang ang tatlong oras na negosyo seminar na itinaguyod ng Golden Treasure Skills and Development Program (GTSDP) at ng PILIPINO Mirror kasama ang sister company na BusinessMirror, DWIZ882, Home Radio 97.9, Philippines Graphic, sa Activity Center sa Farmers Plaza, Araneta Center.
Ayon kay Emily Diaz, CEO ng GTSDP, aabot sa 30 ang nakilahok sa libreng seminar bukod pa sa nasa 100 na walk-ins na mga shopper sa nasabing shopping center na nagkaroon ng kaalaman nang walang bayad.
Ang negosyo seminar ay bahagi ng paglahok ng pahayagang ito sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.
Sinabi ni Diaz na bukod sa katatapos na free seminar, mayroon din silang scheduled seminar sa kanilang training center na may affordable fee at kaunting babayaran para sa raw materials.
Kabilang naman sa itinuro ang paggawa ng powder soap, fabric conditioner at liquid hand soap.
Samantala, inanunsiyo rin ni Mina Satorre, advertising manager ng Filipino Media Corporation, ang job fair na magaganap ngayong araw, June 12, sa nasabing activity center.
Ang negosyo seminar at job fair ay handog ng pahayagang ito sa tulong ng Department of Labor and Employment, Public Employment Service Office, pamahalang lokal ng lungsod Quezon at ng Araneta Center. EUNICE C.
Comments are closed.