NASAMSAM ng mga awtoridad ang halagang P6.8 milyong hinihinalang shabu sa tatlong high-value individual (HVI) sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad, iniulat kahapon, Oktubre 14 sa lungsod ng Bacolod.
Sa pinagsamang operasyon Bacolod Police Station 8 at City Drug Enforcement Unit (CDEU), bandang 9:32 ng gabi nitong Linggo nadakip ang isang Biboy, residente ng Barangay Villamonte.
Nakuha sa suspek ang hinihinalang shabu na may bigat ng 500 gramo o kalahating kilo na may street value na P3,400,000.
Sa ikalawang operasyon naman na isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 2, dakong ala 1 ng madaling araw noong Lunes sa Purok Rose, Barangay 9, nasakote naman sina alyas Elizabeth, ng Barangay 27, at alyas Jupet, Barangay Tangub.
Narekober sa dalawa ang 500 gramo ng pinaniniwalaan shabu at aabot sa halagang P3,400,000.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek.
EVELYN GARCIA