PANGASINAN- NASAMSAM ang mahigit P3 milyong halaga ng shabu mula sa tatlong high value individuals (HVIs) na nasakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa lungsod ng Tarlac.
Batay sa naantalang report na ipinadala sa tanggapan ni BGen. Jose Hidal;go Jr. Director ng Regional Police Office (PRO) – 3 mula saTarlac Provincial Police Office, (TPPO) unang inilunsad ang buy-bust operation bandang alas-11:51 ng kamakalawa ng gabi sa San Miguel.
Ayon sa report, nakabili ang operatiba ng P40,000 halaga ng shabu sa dalawang babaeng suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.
Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete na naglalaman ng 450 gramo ng shabu at aabot sa halagang P3,060,000.
Sa pangalawang pagkakataon naman ay nag sagawa naman ng operasyon ang mga awtoridad sa Barangay San Francisco at nakuha sa isang suspek ang 55 gramo ng shabu na may street value na P374,000.
May kabuuan P3,343,000 ang halaga ng mga nakumpiskang shabu sa tatlong suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA