ARESTADO ang tatlong high value target (HVT) ng anti-drug operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod ng Pasig.
Kinilala ni Col. Celerino Sacro Jr., ang mga nadakip na sina Mohaimen Rangaig y Pontinoc, 26-anyos , alyas ” Mohaimen”; Mate Makebel y Alba, 33-anyos, kapwa nakatira sa No. 683 R. Castillo St., Brgy., Kalawaan, Pasig City at Isabel Tobosa, 26- anyos ng Blk-5 Lupang Arienda, Brgy., Sta. Ana, Taytay Rizal.
Samantala, nakumpiska sa mga suspek ang 13 transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 800 gramo na may street value na P5,440,000.00, digital weighing scale, dalawang (2) P1000 peso bill at 33 piraso ng tag P1,000.00 peso boodle money.
Nabatid na dakong ala-5:05 kamakalawa ng gabi , nasakote nina Lt. Kenny Khamar Khayad chief ng Station Drug Enforcement Unit at PEMS Romeo Taguilan sa anti-drug operation ang mga suspek matapos bentahan ng droga ang mga operatiba sa No. 682 R. Castillo Street sa lungsod.
Kasong paglabag sa RA9165 Sec. 5 and 11 Art. II (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin nina Rangaig, Makebel at Tobosa sa Pasig Regional Trial Court. ELMA MORALES