BULACAN-TATLONG lalaki ang magkakasunod na nadakip sa police response ng Bulacan PNP katuwang ang barangay tanod makaraaang ireklamo ng pare-parehogng kaso ng act of lasciviousness sa mga menor sa mga bayan ng Baliwag, San Ildefonso at San Jose del Monte City.
Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Police Director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga naarestong sina Richard Gasparillo ng Baliwag; Justine Pastrana, ng Barangay Alagao, San Ildefonso; at Jobert Zaragoza ng Brgy. San Rafael 1, SJDM City.
Dinakip ang tatlo nang paghihipuan sa maseseselang bahagi ng katawan ang mga menor na biktima. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.