PAMPANGA- NAARESTO ng pinagsanib na grupo ng Bureau of Immigration (BI) at ng Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) ang tatlong illegal alien na nagtratrabaho sa Resort Villa sa Clark sa lalawigang ito.
Kinilala ang tatlong Chinese na sina Huang Shuzhen, 23-anyos; Chen Qianfang, 46-anyos at Huang Zaicheng, 54-anyos na nahuli sa isinagawang raid sa naturang resort nitong nakaraang Hunyo 28.
Ayon kay BI intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., nasakote ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Batay sa impormasyon na nakalap ng payagang ito, ang Resort Villa ay matatagpuan sa loob ng Fontana Leisure Park ng Clark Free Zone sa Angeles City, Pampanga.
Agad na dinala ang tatlo sa opisina ng PAOCC sa Pasay City upang sumailalim ng masusing imbestigasyon. FROILAN MORALLOS