3 INDICATORS PARA MAGDEKLARA NG ALERT LEVEL 4 MINO-MONITOR

MAY mga batayan ang pamahalaan bago magdesisyon kung itataas sa alert level 4 o hindi ang isang lugar.

Ayon kay Acting Presidential spokesperson cabinet secretary Karlo Nograles, kabilang dito ang two-week growth rate, average daily attack (ADAR) at ang total bed utilization rate.

Aniya, sakaling pumalo ang lahat ng ito sa high risk classification at umakyat na sa mahigit 71% ang total bed utilization rate ay tiyak na agad silang magdedeklara ng alert level 4 sa isang lugar.

Dagdag pa ni Nograles, nasa moderate classification pa ang total bed utilization sa NCR na nangangahulugang hindi pa ito tumatama sa high level kaya nananatili pa rin sa alert level 3 ang Metro Manila.

Sa ngayon, patuloy nilang binabantayan ang iba’t ibang lalawigan sa bansa upang agad na ma-monitor ang tatlong nabanggit na indicators. DWIZ882