TAWI-TAWI-APAT katao kabilang ang tatlong Indonesian at isang Pinoy na dinukot umano ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nailigtas ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Pasigan Island, South Ubian sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Joint Task Force Tawi-Tawi,narekober ng Tandubas PNP at Marine Batallion Landing Team-6 ang mga biktima sa dalampasigan ng naturang isla.
Kinilala ni Wesmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. ang 3 Indonesians na sina Riswanto Bin Hayono, Arical Kastamiran, at Arsyad Bin Dahalan at ang kasamang Pinoy na si Sahud Salisim alyas Ben Wagas.
Kabilang ang 3 Indonesians sa 5 dayuhan na dinukot ng ASG sa karagatan ng Tambisan, Malaysia noong Enero 17, 2020.
Ayon kay Brig. Gen. Arturo Rojas, Commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, dinadala ang mga kidnap victim patungong Tawi-Tawi sakay ng isang bangka subalit tumaob ito dahil sa malakas na alon kaya’t nailigtas ang mga ito sa dalampasigan.
Kasalukuyang nagsasagawa ng rescue and retrieval operations para sa isa pang kasamahan ng tatlo naligtas na kidnap victim at iba pang ASG na nakasakay sa lumubog na bangka. VERLIN RUIZ
18043 297067We dont trust this amazing submit. Nevertheless, I saw it gazed for Digg along with Ive determined you can be appropriate so i ended up being imagining within the completely wrong way. Persist with writing top quality stuff along these lines. 698844
188616 301519I agree with most of your points, but some require to be discussed further, I will hold a small talk with my partners and possibly I will appear for you some suggestion soon. 670583
131774 704906Greetings! Quick question thats completely off topic. Do you know how to make your website mobile friendly? My internet site looks weird when browsing from my apple iphone. Im trying to find a template or plugin that might be able to correct this concern. Should you have any suggestions, please share. With thanks! 801864