3 K NATAMO NI PBBM SA UNANG 100 ARAW

Kalusugan, kabuhayan at kapayapaan.

Ito ang tema ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang 100 araw sa panunungkulan bilang lider ng bansa.

Giit ng Pangulo, iba’t iba mang mga programa at proyekto ang nailunsad at naisagawa sa nakaraang 100 araw, lahat ito ay upang mapagtibay ang tatlong pundasyon ng pagbangon ng bansa na kalusugan, kabuhayan, at kapayapaan.

Malaki rin ang naging tulong ng pagbabalik ng face-to-face classes sa kabila ng patuloy na banta ng Covid-19 pandemic na nagkaroon ng domino effect sa bansa.

Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng gabay ng Panginoon at ng pakikiisa ng sambayanang Pilipino, ipagpapatuloy niya at pag-iigihin ang nasimulang trabaho at pagsisilbi sa bayan.
Naniniwala si Marcos na sama-samang babangon muli ang bayan.