NAKAPAGTALA ang Davao region ng tatlong kaso ng mas nakahahawang uri ng COVID-19 o mas kilala bilang UK variant.
Batay sa ulat, dalawa sa mga pasyente ay mula sa Davao De Oro na isang 33 anyos na lalaking taga- Compostela at isang 54 anyos na babaeng taga new Bataan.
Kasunod nito, agad na nakipagpulong ang Department of Health Region 11 at Local Government Unit (LGUs ) para matugunan ang sitwasyon.
Sinimulan na rin ang contact tracing ng mga awtoridad upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng UK COVID-19 variant sa Davao De Oro.
Samantala, hindi naman malinaw kung kabilang na ang tatlong indibiduwal sa 19 na naitalang karagdagang kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa noong Biyernes. DWIZ882
Comments are closed.