TATLONG bagong reklamo na may kinalaman sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ang isinampa ng Public Attorney’s Office sa Department of Justice.
Ang mga kaso laban sa mga dating opisyal at opisyal ng Department of Health ay isinampa ng mga magulang at kaanak ng mga batang sina Aldrid Aberia, Analisa Silverio at Mikaela Mainit na pawang nabakunahan ng Dengvaxia.
Kasabay ng paghahain ng panibagong asunto ay nagtipon-tipon sa labas ng DOJ ang mga magulang ng iba pang batang namatay na pinaniniwalaang nasawi rin sa nasabing anti-dengue vaccine.
Kanilang hiniling sa DOJ na madaliin ang pagresolba sa mga naunang kaso na isinampa ng PAO kaugnay sa Dengvaxia vaccination program ng Department of Health.
Kahapon ay itinuloy ng DOJ ang pagdinig sa third batch ng mga kaso ng Dengvaxia.
Kasama sa mga kinasuhan dito ay sina dating Health secretary Janette Garin at Health Secretary Fran-cisco Duque III, iba pang opisyal ng DOH at drug manufacturer. AIMEE ANOC
Comments are closed.