3 KATANGIAN PARA MAGING TOP PERFORMER ANG EMPLEYADO

SA mabilis na panahon ngayon, ang mga kompanya at iba pang pagawaan ay nagha-hire ng bagong graduates subalit ‘yung mayroon nang alam o karanasan.

Mayroon ba noon? Bagong graduates na mayroong experience? Ang pinupunto rito, ay ang recruit na alam ang kanyang magiging trabaho o function.

Sa mga malalaking kumpanya, may period ng seminars at briefing sa bagong empleyado at kapag actual na iga-guide sila bago pakawalan.

Hindi lang para sa kumpanya ang inaalok ng Human Resource Department kung ano rin ang pribilehiyo ng isang empleyado sakaling siya ay mapasok.

It’s a no-no na maging pakabig ang pamamaraan ng pagpapatakbo sa opisina, dapat two-way process.

Ang ganoong kumpanya ay nagaganap noong unang panahon subalit ngayong modern na, dapat kapwa may benepisyo, ang kumpanya at ang empleyado.

Dahil hindi naman tatatakbo nang maaayos ang kumpanya kung walang competent na empleyado.

TASKING SA EMPLEYADO

Hindi puwede na kung sino ang available, iyon ang uutusan sa isang partikular na trabaho.

Kaya nga sa HR Department, laging nakasaad kung ano posisyon at requirement ang kailangang.

Habang sa maliit na negosyo, hindi maaaring iutos ang trabaho kung sino ang unang nadatnan sa tanggapan.

Bilang manager, dapat alam ang strengths at weaknesses ng mga tauhan upang magkaroon ng competency sa performance.

Magkakaiba kasi ang kakayahan ng indibidwal, at ayon sa libro ni Stephen Covey, American educator and author, na 7 Habits of Highly Effective People, dapat alam ng boss ang knowledge, skills at attitude ng kanyang tauhan para maexecute ang tasking.

Maaaring alam ni Employee A ang trabaho, (knowledge); pero paano ang kanyang teknik  paraan (skills) at kung gusto o interesado siya na gawin ito (attitude).

Kung ang tatlong iyan ay taglay ni Employee A, walang duda, good result ang ipinatrabaho ni boss sa kanya!

Goodluck!