NORTH COTABATO – BULAGTA ang tatlo katao kabilang ang sundalo ng Philippine Army matapos na araruhin ng SUV ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Macabiso sa bayan ng Sultan Mastura sa Maguindanao noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Daud Asnan, 30; Abdillah Ali, 60, kapwa residente ng Barangay Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao; at si Staff Sergeant Arlan Orete.
Sa inisyal na ulat ni P/Chief Master Sergeant AmirHan Isnain, inararo ng Montero SUV na minamaneho ni Minandang Sendad ang dalawang motorsiklo bandang alas-9:40 ng gabi.
Nabatid na sina Asnan at Ali ay magkaangkas sa payong-payong na motorsiklo habang si Staff Sergeant Arlan Orete naman ay sakay ng isa pang motorsiklo.
Nakatakdang sampan ng kaukulang kasong kriminal ang driver na si Sendad habang ang mga labi ng tatlo ay nasa kani-kanila ng pamilya. MHAR BASCO