QUEZON – TATLO katao ang nasawi sa magkahiwalay na vehiculat accident sa lalawigang ito.
Una rito, dalawa katao ang binawian ng buhay sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Brgy. Sildora, Agdangan, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Romulo Flores Noda, 22-anyos, at isang 16-anyos.
Binabaybay ng motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ang kalsada sa naturang lugar nang bigla itong mag-overtake sa sinusundang sasakyan.
Ngunit bigla itong nabangga sa kasalubong na isang hi-ace.
Kaugnay nito nagtamo ng malalang tama sa ulo ang mga biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit hindi na naagapan pa ang buhay.
Samantala, isang pedestrian din ang binawian ng buhay matapos masagasaan ng isang sasakyan sa Barangay Biyan, Calauag sa parehong lalawigan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing vehicular accident. GELO BAIÑO
Comments are closed.