QUEZON-INARESTO ang tatlong kalalakihan ng Quezon CIDG, Lucena PNP at 405th RMFB 4A dahil sa iligal na pamamaraan ng pagbebenta ng produktong petrolyo sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa Barangay Ibabang Talim bahagi ng Lucena City.
Kinilala ni Lucena City Police Chief Lt. Col. Reynaldo Reyes ang tatlong nadakip na sina Christopher Pena,38-anyos; Ian Toezel Custodio,28-anyos na kapwa residente ng Sitio Sampaloc,Brgy. Ibabang Palsabangon bayan ng Pagbilao at Randy Marcelino,42-anyos, residente ng ALPSVILLE 3 Subd. Carol St., Red-V, San Antonio Subd, Lucena City.
Base sa ulat ng CIDG, nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek bunsod ng kasong murder na kinasasangkutan ng mga ito na nabatid na nagsasagawa rin ng iligal na pagbebenta ng diesel at gasolina na mas kilala sa tawag na “PAIHI”.
Nagkasa ng isang entrapment operation ang mga awtoridad at naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo na nagresulta ng kanilang pagkaaresto.
Nakuha sa lugar ang isang unit ng electric pump, isang unit ng pressure water pump, plastic drums (filled and empty), plastic containers (filled and empty), plastic house, 3 empty plastic square with metal, mga papel na resibo na ginagamit sa bentahan at service na tricycle na ginagamit na kargahan ng mga container na may lamang gasolina at diesel.
Nakuha naman sa pag-iingat ng mga suspek ang P14,850.00 na umanoy pinagbentahan ng gas at diesel at P500 na ginamit ng mga pulis bilang marked money sa entrapment operation.
Bukod dito, nakumpiska Han din ang mga suspek ng isang baril na caliber 45, isang caliber 9mm, isang shot gun, mga magazine at ibat-ibang uri ng mga bala ng baril.
Nahaharap ngayon sa patong patong na mga kaso ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa costudial facility ng Quezon CIDG.
Samantala, sa bayan naman Mulanay, Quezon ay nasakote ang isang Johnny Reforma Pardilla, 58-anyos at residente ng Brgy.Buntayog bayang nabanggit nang pinagsanib na puwersa ng Mulanay PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa iligal na pagbebenta ng Petroleum Products (LPP) na kilala sa lugar sa tawag na “BOTE-BOTE” na gasolina.
Narekober sa suspek ang humigit kumulang na 30 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P1,350.00.
Ayon sa BFP, lubhang napakadelikado ng ganitong uri at pamamaraan ng pagbebenta ng gasolina na maaaring sumabog ito sa boteng pinaglalagyan at magdulot o pagsimulan ng sunog at makamatay o makasakit sa mga taong nasa paligid na kung saan ngayong Marso ang pagsisimula ng Fire Prevention Month. BONG RIVERA