3 KATUTUBO NA CARNAPPER TINUTUGIS

TINUTUGIS

NUEVA VIZCAYA – DALAWANG magagandang senior high school student ang umano’y hinalay ng tatlong pinani-niwalaang mga katutubong Ifugao at Kalinga habang ang mga biktima ay lulan ng dalawang motor kasama ang kanilang kasin­tahan dakong alas-3 ng madaling araw nang harangin sila ng tatlong kalalakihan na armado ng baril at patalim.

Sa imbestigasyon nang mga tauahan ni P/Captain Felix Mendoza, deputy chief of police ng Diadi Police Station, ga­ling ang mga biktima sa isang kasalan nang harangin sila ng tatlong suspek at kinuha ang kanilang mga cellphone at pera ngunit ng makita umano ng tatlong holdaper na magaganda ang angkas na dalawang babaeng ay hinila sa gitna ng maisan at halinhinang ginahasa ng tatlong suspek.

Walang nagawa ang dalawang binata nang hilahin sa maisan ang kanilang kasintahan at ginahasa dahil tinutukan umano sila ng baril at pinagbantaang papatayin.

Ayon kay P/Capt. Mendoza, nakilala na nila ang tatlong suspek, sa pamamagitan ng isang witness na unang nakita nito sa kasalang dinaluhan ng mga biktima.

Bukod pa rito, ayon sa witness, nadinig niya umano na habang nag-iinuman ang tatlong kalalakihan na pawang mga katutubo ay ikinukuwento ng mga ito habang nagtatawanan ang kanilang ginagawa sa dalawang estudyante.

Hiniling ng mga awtoridad na huwag munang banggitin ang pa­ngalan ng tatlong suspek para huwag maapektuhan ang isasagawa nilang operasyon para sila ay maaresto.  IRENE GONZALES

Comments are closed.