3 KFR HULI, P10-M SHABU NAREKOBER | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
ARRESTED

3 KFR HULI, P10-M SHABU NAREKOBER

TATLONG miyembro ng Kidnap for Ransom Group ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army, PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga.

Ayon kay Lt. Col. Don Templonuevo, 44th Infantry Battalion Commander ng Philipine Army, nasakote sa joint operation sina Nicanel Maningo, Benhazer Anduhol at Solaiman Calon na  pawang miyembro ng ‘Barahama Alih Group.

Bukod sa kidnapping for ransom ay sangkot din ang grupo sa malakihang bentahan ng droga ng masakote sila sa Brgy. Tena, Ipil.

Nakuha sa mga suspek ang isang caliber M-16 rifle, dalawang handguns, mga pampa­sabog, mga bala, plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.5 kilos at tinatayang P10.2 million ang halaga.

Tiniyak naman ni Col. Bagnus Gaerlan, Jr., commander ng 102nd Infantry Brigade, na sa pagkakadakip sa tatlo at pagkakasabat sa mga gamit ng mga ito ay mapipilayan ang kanilang grupo sa mga ginagawang ilegal na aktibidad.

Samantala, nakaaler­to ang buong puwersa ng militar sa ilang bahagi ng Mindanao kasunod ng ulat na naka-full alert  ang Malaysian security forces bunsod ng intelligence reports na paikot- ikot ang umano’y Abu Sayyaf sa karagatang malapit sa Sabah dahil nag-aabang ng kanilang makikidnap.

Base sa ulat, ang grupo na binubuo ng 17 katao na pinamumunuan ng isang ASG  sub-commanders na kinilalang si Salip Mura, Majan Sahidjuan alyas Apo Mike at  Abu Radin ay umalis sa kanilang pinagkukutaan sa Jolo dalawang araw ang nakalipas patungong Tawi-Tawi. VERLIN RUIZ

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS