MAGKAKASUNOD na binawian nang buhay ang tatlo sa apat na itinuturong mga miyembro ng Pacia Kidnap for Ransom Group (KFR) matapos magawa umanong manlaban sa mga kagawad ng Regional Intelligence Division (RID4A) PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) at Indang Cavite- PNP habang aktong maghahain ang mga ito ng search warrant sa kanilang safehouse sa Brgy. Kayquit I, Kayquit Road, lugar na ito kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ulat ni Calabarzon-PNP Public Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran kay PNP Director PBGen. Edward Carranza, nakilala lamang sa alyas na “Vince/Pigsa” ang isa sa napatay na suspek habang dalawa sa mga ito ang patuloy pa ring kinikilala ng awtoridad kung saan nagawang makatakas ang itinuturo umanong lider ng mga ito na si EX-PO3 Magdaleno Pacia Jr.
Dakong alas-2:48 ng madaling araw base sa imbestigasyon nang magkasa ng operasyon sa lugar ang nabanggit na operatiba sa pamumuno ni AKG Director PCol. Jonnel Estomo bitbit ang search warrant kaugnay ng paglabag sa kasong RA-10591 nang hindi inaasahang mauwi ito sa engkuwentro.
Mabilis na nakatakas ang suspek na si Pacia samantalang ang tatlo sa kanyang mga kasamahan ay napatay sa lugar kung saan wala namang na-paulat na nasawi at nasugatan sa panig ng pulisya.
Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang isang kulay pulang kotseng Suzuki Ertiga, m-16 rifle, beretta pistol at isang caliber 45 na pistola. MHAR BASCO / DICK GARAY
Comments are closed.