ZAMBOANGA SIBUGAY – PATAY ang hinihinalang tatlong kidnapper sa naganap na engkwentro sa Barangay Salipyasin, Kabasalan sa lalawigang ito nitong Martes ng madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga napatay na si Murid Ahod, ang ika-8 most wanted personality sa Zamboanga Sibugay at suspek sa Kabasalan massacre noong 2015 at 2016.
Ang nabanggit na suspek ay pinaghahanap dahilan sa patong patong na kasong pangingikil at pagnanakaw.
Habang ang dalawang suspek na kasama ni Ahod ay nakilalang sina Abdul Sahibad at Fahad Sahibad.
Inilunsad ang operasyon sa tulong ng MILF at MNLF at sa kooperasyon ng local government units ng Naga at Kabasalan.
Ayon sa pahayag ng militar na ang operasyon ng pagpapatupad ng batas ay resulta ng impormasyon na nakuha mula sa mga tipster.
EVELYN GARCIA