3 KOREANO NASAKOTE

NASAKOTE ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang tatlong Korean national na wanted sa South Korea bunsod ng pagkakadawit sa telecommunication fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang tatlong suspek na sina Jin Unghyeon, 29-anyos; Choi Sukhyun at Lee Seungsu, 23-anyos.

Ayon kay Morente nahuli ang tatlo ng immigration operatives sa aktong nag-ooperate ng kanilang computer workstations sa loob ng condominium na inuupahan sa bayan ng Noveliches sa Quezon City.

Ang kanilang illegal operation sa Pilipinas ay tinatawag na voice phishing activities o paraan upang makapang-inganyo ng kapwang Koreano na sumali sa kanilang racket.

Batay sa impormasyon na nakarating sa BI ang Voice phishing ay isang estilo ng “fraudulent phone calls to trick people into giving money or revealing personal information and is perpetrated by criminals pretending to represent a trusted institution, company, or government agency”.

Nadiskubre ni Rendel Ryan Sy, hepe ng BI Fugitive Search Unit (FSU) na si Jin ay mayroon outstanding Warrant of Arrest na nakabinbin sa Suwon District Court sa Korea dahil sa kasong pandarambong ng halagang $840 milyon noong Enero,2017 sa pamamagitan ng voice phishing racket.

Ayon kay Sy, ang tatlong suspek ay nakatakdang ipatapon ng BI na bukod sa pagiging overstaying ay banta ang mga ito sa seguridad ng bansa. FROILAN MORALLOS