ISABELA – NADAKIP ang tatlong kalalakihan makaraang tangkaing magpuslit ng mga ilegal na pinutol na punongkahoy sa Aurora.
Nakilala ang tatlong suspek na sina JR Pascua, 28-anyos; Nestor Bartolome, 37-anyos; Ar-jay Tabuna, 33-anyos, na pawang mga residente ng San Marcos, Ifugao.
Una rito, naglatag ng checkpoint operation ang kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong kalalakihan.
Nakumpiska mula sa kanila ang 28 piraso ng ilegal na pinutol na punongkahoy na tinatayang aabot sa 229 boardfeet lulan ng dalawang kolong-kolong.
Sa ngayon ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Anti-Illegal logging law ang tatlong suspek.
Samantala, ito’y bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya laban illegal logging ni Atty. Gil Aromin, Regional Director ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 02. REY VELASCO
Comments are closed.