3 LALAKI NASABUGAN NG GRANADA

MINDANAO- MASAKLAP ang sinapit ng tatlong lalaki makaraang masabugan ng granada sa araw mismo ng Bagong Taon sa boundary ng Maguindanao del Sur at Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Sultan sa Barongis Municipal Police Station, kinilala ang mga sugatan na sina Ryada Deneda, Erap Kasili at Toto Dowa na residente ng boundary ng Sultan Sa Barongis, Maguindanao del Sur at Lambayong, Sultan Kudarat.

Nabatid na pinaglaruan ng isa sa mga biktima ang granada nang bigla itong sumabog dahilan para maputol ang kamay habang nawakwak din ang binti ng isa pa.

Isa naman sa kanila ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad isinugod sa ospital ang tatlo at patuloy na ginagamot ang mga ito.