3 LANES NG ELEVATED SKYWAY BUBUKSAN NA

Skyway stage 3-b

UPANG mabawasan ang matinding trapik sa EDSA at C5, bubuksan sa motorista ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang lane ng Skyway stage 3 bago matapos ang taong ito, ayon sa pahayag ni Secretary Mark Villar.

Ang nasabing parte ng Skyway na maaring buksan ay ang northbound at  southbound section ng 18.68 kilometer elevated expressway na mag-mumula sa Buendia, Makati City pa­puntang Balintawak, Quezon City.

Ayon kay Villar, nasa 75 percent ang overall status ng section 1, at 3, at ang right of way ay 100 percent bayad sa mga nagmamay-ari ng mga istruktura at lupa na nasakop ng proyektong ito.

Ipinag-utos ng kalihim sa kontratista na bilisan ang pagtapos ng iba pang bahagi ng Skyway bago matapos ang taong ito.

May walong access ramps/interchanges at  ito ay magmumula sa Buendia Avenue, (South Super Highway, Makati City), Pres. Quirino Avenue (Malate, Manila), Plaza Dilao (Paco, Manila), Nagtahan/Aurora Boulevard (Manila), E. Rodriguez Avenue (Quezon City), Quezon Avenue (Quezon City), Sgt. Rivera St. (Quezon City) at sa NLEX.

Mababawasan  ang travel time ng mga motorista  mula sa dalawang oras  ay magiging 15 o hanggang 20 minutos na lamang mula Buendia papun-tang NLEX.   FROI MORALLOS

Comments are closed.