3 LIDER NG CTG DEDO SA ENGKUWENTRO

TUGUGERARAO CITY- PATAY ang tatlong matataas na lider ng Communist Terrorist Group (CTG) sa engkwentro sa Barangay Virginia sa Sto. Niño, Cagayan nitong Huwebes.

Sinabi ni Capt. Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, namatay sa labanan sina Saturnino Agonoy alyas “Peping”, pinuno umano ng Regional Operations Department ng West Front Committee- Cagayan ng Komiteng Rehion ng Cagayan Valley; Mark Canta alya “Uno”, giyang pulitikal at Alyas ” Val” , medical officer.

Ayon kay Pamittan, una umanong nagpaputok ang rebeldeng grupo nang mamataan ang mga sundalo mula sa 17th Infantry Battalion na nagsagawa ng operasyon matapos na matanggap ang impormasyon ukol sa armadong grupo sa lugar.

Tumagal lamang umano ng limang minuto ang labanan.

Sinabi ni Pamittan na tinatayang 20 hanggang 30 na CTG ang nakasagupa ng mga sundalo.
IRENE GONZALES