3 LIDER NG NPA SUMUKO SA MILITAR AT PULISYA

SURIGAO DEL SUR – SUMURENDER sa militar at pulisya ang tatlong lider ng New People’s Army (NPA)  sa Brgy. Telaje, Tandag City.

Kinilala ang mga  ito na sina Hermano Quesada alyas Rado, 48-anyos,  Commander ng Sentro de Grabidad Platoon Guerilla Front Committee 30, Donita Martinez alyas Clara o Laura, 31-anyos, medical team leader ng SDG platoon, at Romanito Molino alyas Tata, 42-anyos, leader ng team baking Uno squad SDG platoon na lahat ay nasa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee.

Ayon kay 1st lt Tere Ingente, tagapagsalita ng 4th Infanrty Division ng Philippine Army, ang SDG Guerilla Front Committee 30 ay ang pangunahing responsable sa pagsasagawa ng mga pag-atake sa mga lugar.

Kahapon binigyan agad ng P20,000 cash assistance ang mga sumukong NPA mula sa local government unit bukod pa sa ibang tulong mula sa pamahalaan para makapagbagong buhay ang mga dating rebelde. R. SARMIENTO

Comments are closed.