3 LUGAR SA VISMIN POSITIBO SA RED TIDE

INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tatlong lugar sa Visayas at Mindanao ang apektado ng toxic red tide na higit sa regulatory limit.

Ang mga ito ay ang mga coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Sa Shellfish Bulletin na may petsang Hunyo 10 at inilabas kahapon, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga lamang dagat na nakuha sa nabanggit na mga lugar.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa BFAR.

Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta ang mga ito ay huhugasan at lulutuing mabuti, kasabay ng pag-aalis nang maayos sa mga lamang loob nito.
EVELYN GARCIA