3 MAGKAKAPATID NA PASLIT NADALE SA SUNOG, 2 PA SUGATAN

SUNOG-3

CALOOCAN CITY- TATLONG magkakapatid na paslit ang nasawi habang dalawa pa ang malubha nang masunog sa kanilang bahay dahil umano sa napabayaang kandila sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City fire marshal Supt. Stephen Requina ang dalawa sa nasawi na sina Jilian Nardeja, 8, at Marianne.

Dalawang kapatid pa ng mga biktima ang malubha at isinugod sa Caloocan City Medical Center.

Ayon kay Arson investigator SFO1 Alwin Culianan, isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si FO3 Ryan Caincol, 35, na dumanas ng hypertension habang nag-aapula ng apoy, samantalang nakoryente naman si Fulgencio Rodriguez, 45.

Sa pahayag ni Barangay 8 Chairman Honesto Gaton, dakong alas-3:03 ng madaling ng araw nang sumiklab ang apoy sa dalawang palapag na bahay sa 532 Tupda Village, Brgy. 8 na pag-aari ni Ricardo Manio, Jr. subalit ang kanyang kapatid na babae na si Marilyn Nardeja ang umuukupa sa ground floor ng bahay.

Pahayag ni Manio kay arson investigator SFO1 Culianan na walang koryente ang inuukupahan ng kanyang kapatid at gumagamit lang ang pamilya nito ng kandila bilang ilaw.

Umabot ang sunog sa second alarm at idineklarang fireout dakong alas-4:39 ng madaling araw habang tinatayang nasa P150,000 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. EVELYN GARCIA

Comments are closed.