3 MAGPIPINSAN NALUNOD SA SWIMMING POOL

nalunod

BULACAN – HINDI na umabot ng Pasko ang tatlong batang babaeng magpipinsan makaraang aksidenteng malunod sa private pool ng isang resort nang iwanan ng kanilang bantay na nagtungo sa kanilang inokupahang kuwarto sa Barangay Abangan Sur,Marilao.

Kinilala ni P/Lt.Col.Amado Mendoza Jr., Marilao police chief, ang mga biktimang paslit na sina Akihiro Lucanas,4-anyos, kapatid nitong si Aileen,6-anyos at pinsang si  Princess Lyka, Lucanas, 6-anyos din at pawang residente sa Dagat-Dagatan,Caloocan City na hindi na naisalba ng mga manggagamot dahil sa dami ng nainom na  tubig.

Sa pagsisiyasat ni M/Sgt.Ariel Gacutan,bandang alas-5:30 ng hapon noong nakaraang huwebes nang maganap ang insidente makaraang pumasok sa loob ng resort sa Barangay Abangan Sur, Marilao ang magkalive-in partner na sina ­Ederlyn Lucanas, 30 at kinakasamang si Joel Manulit kasama ang tatlong paslit at umokupa ng isang silid bago nagtungo sa swimming pool si Ederlyn kasama ang dalawang anak na sina Akihiro at Aileen at pamangkin.

Dito  ay pinaalalahanan ng mga tauhan ng resort si Lucanas na bawal maligo sa swimming pool dahil ginagawa ito at bantayang mabuti ang mga bata, ngunit iniwan nito ang mga biktima para kunin ang cellphone sa kanilang inokupahang silid at dito na sinamantala ng mga batang lumusong sa swimming pool.

Mga sampung minuto nang madiskubre ng kinakasama ni Lucanas na si Manulit na nalulunod ang mga bata kaya kaagad itong dinala sa pagamutan, ngunit hindi na nailigtas. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.